Maluluhong Panaginip

Ito ay isang kopya ng awit na aking susuriin:

“Royals”

[Verse 1]
I’ve never seen a diamond in the flesh
I cut my teeth on wedding rings in the movies
And I’m not proud of my address,
In a torn-up town, no postcode envy

But every song’s like gold teeth, grey goose, trippin’ in the bathroom
Blood stains, ball gowns, trashin’ the hotel room,
We don’t care, we’re driving Cadillacs in our dreams.
But everybody’s like Cristal, Maybach, diamonds on your timepiece.
Jet planes, islands, tigers on a gold leash.
We don’t care, we aren’t caught up in your love affair.

And we’ll never be royals (royals).
It don’t run in our blood,
That kind of luxe just ain’t for us.
We crave a different kind of buzz.
Let me be your ruler (ruler),
You can call me queen Bee
And baby I’ll rule, I’ll rule, I’ll rule, I’ll rule.
Let me live that fantasy.

[Verse 2]
My friends and I—we’ve cracked the code.
We count our dollars on the train to the party.
And everyone who knows us knows that we’re fine with this,
We didn’t come from money.

But every song’s like gold teeth, grey goose, trippin’ in the bathroom.
Blood stains, ball gowns, trashin’ the hotel room,
We don’t care, we’re driving Cadillacs in our dreams.
But everybody’s like Cristal, Maybach, diamonds on your timepiece.
Jet planes, islands, tigers on a gold leash
We don’t care, we aren’t caught up in your love affair

And we’ll never be royals (royals).
It don’t run in our blood
That kind of luxe just ain’t for us.
We crave a different kind of buzz.
Let me be your ruler (ruler),
You can call me queen Bee
And baby I’ll rule, I’ll rule, I’ll rule, I’ll rule.
Let me live that fantasy.

Ooh ooh oh
We’re bigger than we ever dreamed,
And I’m in love with being queen.
Ooh ooh oh
Life is great without a care
We aren’t caught up in your love affair.

And we’ll never be royals (royals).
It don’t run in our blood
That kind of luxe just ain’t for us.
We crave a different kind of buzz
Let me be your ruler (ruler),
You can call me queen Bee
And baby I’ll rule, I’ll rule, I’ll rule, I’ll rule.
Let me live that fantasy.

     Importante ang pamumuhay ng mga tao sa kanilang buhay, mayaman man o mahirap. Ngunit nais ng mga taong maging mayaman, nais nilang makaranas ng pera, nais nilang maranasan ang maluhong buhay. Sa buhay, hindi natin mapipili ang ating kapalaran, subalit may magagawa tayong lahat tungkol dito. Ang mga ideyang ito ay ipinapakita ni Lorde sa kaniyang kanta na “Royals”.

Ang “Royals” ni Lorde ay isa sa kaunting awit na may kakaibang mensahe kumpara sa iba. Ito ay isang awit na nagpapakita ng mga kagustuhan ng mga tao, mga karanasan ng mga mayayaman at maluluho. Gayunman, ang persona ng kantang ito, na isang taong nangangarap na maging maluho at manira ng magandang buhay, ay kinukontra ang ideolohiya na ang pagiging masaya at matagumpay ay hindi tungkol sa kung gaano tayong mayaman, at ang ideolohiya na ating maitutukoy na “American Dream”. Ang “American Dream” ay isang ideolohiya na tungkol sa Kapitalismo na sinasabi na posible ang lahat, basta may dedikasyon at pinagtrabaho ito ng mahirap o makukuha natin ang lahat (kayamanan) basta may pagsisikap sa ating gustong makamit.

I’ve never seen a diamond in the flesh
I cut my teeth on wedding rings in the movies
And I’m not proud of my address,
In a torn-up town, no postcode envy

     Sa unang parte pa lang ng awit, marami na tayong impormasyon na makukuha tungkol sa persona at sa kanyang ideya ng kayamanan. “I’ve never seen a diamond in the flesh.”, sa unang linya palang malalaman na natin na ang persona ay isang tao na nanggaling sa proletaryo na pamumuhay. Hindi pa siya nakakita ng dyamante, na nagsisimbolo ng kayamanan, sa totoong buhay. Sa unang taludtod ipinapakita na hindi lumaki ng maluho ang persona katulad ni Lorde, hindi siya tumira sa mga sikat na siyudad katulad ng New York, London at iba pa. Madalas ipinapakita ng mga mang-aawit sa kanilang mga kanta na mayaman sila at maluluho ang buhay nila, sa awit na ito, hindi nahihiya si Lorde o ang persona na sabihin na hindi siya tulad ng ibang artista, ipinapakita niya na siya ay isang simpleng tao nanakakamit ang kaniyang pangarap. Subalit sa mga artistang na lumaki o namuhay ng maginhawa at mayamang buhay, wala pa rin siyang paki. “Driving cadillacs in our dreams..”, sa linyang ito nakikita natin na hindi niya poot ang maluho na buhay ngunit ayaw niya lang maging totoo ang “panaginip” na ito dahil sa ayaw niyang maging materyalisk na tao. Mapapansin natin sa parte na ito ay ginamit ni Lorde ang “we”, “us” at “them”, ito ay para maiugnay ng madla ang mga sarili nila sa magandang awit na ito.

And we’ll never be royals (royals).
It don’t run in our blood,
That kind of luxe just ain’t for us.
We crave a different kind of buzz.
Let me be your ruler (ruler),
You can call me queen Bee
And baby I’ll rule, I’ll rule, I’ll rule, I’ll rule.
Let me live that fantasy

     Marami ring matututunan sa koro ng kantang ito. “And we’ll never be royals”, dito ay tinatanggap na ng persona ang kaniyang kapalaran, na hindi magiging mayaman at maluho katulad ng ibang artista. Sa linyang “it don’t run in our blood”, sinasabi niya na kahit nagtatrabaho siya ng mahirap, hindi talaga kayamanan ang gusto niya sa buhay, ito ay kung saan ang ideolohiya ng “American Dream” o kapitalismo ay nakikita. Matutunayan din sa koro na hindi talaga kayamanan ang gusto ng persona, “We crave a different kind of buzz”, at na tanto niya na hindi lahat ng pagnanais ay pinagtatrabuhan. Kahit na may pagkakataon kang magin maluho, ipili pa rin ang daan na gusto mo. “Let me live that fantasy”, sa parteng ito, may inimbento siyang “sariling pantasiya”, ang pantasiyang hindi puno ng kayamanan at pera, pero puno ng kababaang-loob at katuparan.

My friends and I—we’ve cracked the code.
We count our dollars on the train to the party.
And everyone who knows us knows that we’re fine with this,
We didn’t come from money.

     Ngayong tinanggap at na tanto na ng persona na hindi siya nakalaang maging mayaman, mas naiintindihan niya at ang kaniyang mga kaibigan, “my friends and i we’ve cracked the code”, na hindi tungkol sa kayamanan ang lahat. Hindi na sila nahihiya sa kakulangan nila ng kayamanan, mas naging nagpapasalamat sila kahit na hindi sila maluho at nasisiyahan na sila sa mga bagay na mayroon sila, “we’re fine with this, we didn’t come from money.”

     Sa kabuuan, mahalaga ang mensahe na inihahandog ng awit na ito. Tinuturuan tayong maging simple lamang at maging mapagpasalamat sa kahit anong bagay o kahit anong kapalaran na nakalaan para sayo. Makukuha natin sa kantang ito na maghanap ng kasiyahan sa kahit anong bagay, mas importante sa mga bagay na gustong-gusto mo.

http://scanlon295s16.umwblogs.org/2016/02/02/kate-smuckers-marxist-criticism-of-lordes-royals/

https://camaxford.wordpress.com/2013/10/09/an-analysis-of-royals-by-lorde/

Advertisements